Saturday, July 27, 2013

Ulan at Gabi

Nakita kita kanina sa jeep
nung kami'y pauwi na
Tumibok ang aking puso
May pamilyar na kabog sa dibdib na di mawari
Di ko matanggal ang titig ko sayo
Tila ikaw ay nagbago.
Pilit kong sinilip ang iyong wangis,
dahil braso mo'y nakasabit
Ilang pulgada lang ang layo natin sa isa't isa,
ngunit tilay ako'y taga ibang planeta.
Naalala ko bigla yung una nating pagkikita,
sumakay tayo sa jeep patungong Baywalk,
di ko akalaing tahimik ka,
na tila walang kibo.
Mahirap basahin ang iniisip mo,
takot akong magkamail o may magawang ika'y magalit.
Pareho pa tayong kumakapa sa dilim,
pero lahat ng takot at pagaalinlangan ay nawala
Pag hawak ko na ang malalambot mong mga kamay
Gusto kong tumigil ang oras pag kasama kita
Susungkitin ang buwan at mga tala,
at iaaahin ang mga ito sa iyong mga paa.
Screeeeekkkkkkkkk...................
Biglang prumeno ang  jeep,
sa kalagitnaan ng ulan at trapik.
Pinilit kong itago ang pagtitig ko sayo,
ngunit sa yero nauntog ang aking ulo.
Kamukha mo lang pala yun.
Magkapareho kayo ng mga mata,
yung mga matang minsa'y nagpatunaw ng aking puso.
Naglaho ng parang bula ang mga pangarap,
nung pumara ang jeep sa may kanto.
Bitbit mo sa iyong bag ang aking puso.
Eto lang ang pakiusap ko sayo,
pakisauli na lang
Kung magkita man ulit tayo....

December 5, 2011/ 1:14 a.m.

No comments:

Post a Comment